Friday, August 12, 2011

Bad Trip Lang - Epekto ng Double Shift




Bakit ganon?

Even though it has been a long time, feeling ko, overshadowed pa rin ako ng ex nya? Tipong lahat lahat ng best things about him, pinakita sa kanya, from magandang pakikitungo to being "liked" by his family. Bakit parang nakukulangan ako? Hormones? Ewan lang din.

Ayaw ko magsalita. Kase ayaw ko ng namimilit. Kase ayaw ko ng nage-explain ako ng sarili ko. Kase ayaw ko na pag nag explain ako, me makitang butas, sakin bumalik. Ayaw ko na pagbalik sakin (loophole), ako pa yung lalabas na masama. Ayaw ko ng feeling na ang tanga tanga ko. Ayaw ko ng feeling na kinakaawaan and napipilitan lang ang lahat.
I am supposed to be happy pero dahil dun sa past nya, parang ako yung sumasalo ng lahat. Feeling ko paranoid lang ako kase ewan. Basta. Parang may kulang.
Masyado ba ako accomodating? Masyado ba akong ok lang sa lahat? Again, loop of events. Babalikan ko ung scenario na ayaw ko mamilit, ayaw ko ng kahit anong sapilitan. Pag ayaw, ayaw, pag gusto, gusto.

Ibahin ko yung statement. I am happy. Pero kulang. Parang nagtatago kame. Parang tinatago ako. Parang hindi "proud" pagdating saken. Aaaaaarrrrgggghhhh!!!!! Gusto ko umiyak, gusto ko magwala. Gusto ko na umuwi. Gusto ko matulog, magkulong sa kwarto, mag-isa. Tipong dun lang ako. Titig sa kawalan. Hilata lang. Walang gagawin na kahit ano. Ever. Walang makikita or pagpapakitaan na tao.

Feeling ko, naaaawa ako sa sarili ko. Feeling ko mag isa ako kahit na lagi ako may assurance na di ako mag isa (technically speaking, di na ako mag isa. Kasama ko si gabe). Parang di normal tong nararamdaman ko. Basta ang lungkot ko. Tanga kase ako kung ano ano pa ung hinalungkat ko. Ako tuloy ung nahihirapan at nagkakaron ng insecurities sa buhay. Anlaki kase ng difference.

Ayaw kong umiyak sa harap ng hubby ko. Ang pathetic kase. Ayaw ko na din magtanong ng magtanong kase kahit anong clarify ang gawin nya, tamang duda pa din ako. Bakit ganon? Bakit ganon? Bakit ganon? I assume normal lang magselos. Mahal ko yun eh. Meron lang talagang malaking part yung lecheng ex na parang ako yung taga salo ng lahat ng negative na ginawa nya. Parang feeling ko tuloy, tamang duda yung family nya saken. Plus dumating pa c gabe.. Haay..

Ayaw ko na magisip. Baka epekto lang to ng matagal na pag stay sa opisina. Parang masaya umuwi ng LP magisa, kaya lang, tamang duda c mama. As usual, wala naman nakakalagpas dun. Chaka panay pa naman ang build up ko na masaya ako at sobrang loved ako. AAAAARRRRGGGGHHHHH ulit!!!!!!

Bottom line, wala akong karapatan magkaganito. Kelangan lang lumabas sa dibdib ko. Under normal circumstances at condition, yosi lang katapat nito. Pero di na pwede. Wawa naman c gabe kung gagawin ko yun. Bad trip talaga.

No comments: